|
Post by balian on Mar 8, 2010 18:03:21 GMT 8
pre noknok, kaninong aso ang dumale?... kung aso mo ito, sentensyahan mo na... kung sa kapitbahay naman, pahagisan mo ng tinapay na may lason.
sayang nito!
|
|
|
Post by walastik on Mar 8, 2010 18:50:52 GMT 8
migo paul, musta lang diyan sa iyo at family mo,sayang sunod ingat lang talaga,learn the lesson, regards
|
|
|
Post by noknok on Mar 9, 2010 9:16:10 GMT 8
sa pinsan ni misis yong aso.. anak ng aso namin dati.. waaahhhh... pinapatay ko na rin nung araw na yon yong aso.
|
|
|
Post by balian on Mar 9, 2010 10:26:51 GMT 8
nakabawi ka pala sa aso... puwede pulutan 'yun.
last week naman, 2 meters daw ang haba ng sawa na pumasok sa manukan ko mga hatinggabi na. may kagat na iyong isang bullstag ko sa butsi. buti nag-ingay iyong manok. nahuli ang sawa. nasa 15kgs daw ng makarne. inaantay ko pa ang picture na maipadala sa akin.
|
|
|
Post by ncyabut on Mar 9, 2010 10:33:04 GMT 8
fafa paul, ibang klaseng aso yan. kase normally pag aso ang dumale nagkalat ang patay at hindi nakasentro sa isang lugar. ibig sabihin inambush nung aso yung mga sisiw habang nahihimbing sila ng pagkakatulog. dati kase nadale ng aso yung mga hindi humapon na sisiw sa range pero iilan lang nadale nya kase nung pumiglas at nagwala yung isang sisiw nag takbuhan na yung iba.
|
|
|
Post by noknok on Mar 9, 2010 12:07:14 GMT 8
fafa mark, nagkalat yan. pinag iipon na lang habang nag tatangis..
|
|
|
Post by ncyabut on Mar 9, 2010 12:33:22 GMT 8
pinsan pala ng misis mo yung may ari ng aso kaya hindi puwedeng katayin.hehehe
bwisit na aso yan mukhang pinili pa ang mga cockerel na.
|
|
|
Post by balian on Mar 9, 2010 17:24:35 GMT 8
fafa paul, iyang ganiyang kalakihan na nilapa ng aso ninyo, kapag nagka-cull ako ay katalo ng pulutan ng mga tambay sa amin hehehe. tumikim ako minsan... langya lasang ipot!!!
|
|
|
Post by isko3143 on Mar 10, 2010 2:40:08 GMT 8
aso rin ang nakadale ng 2 winner ko na cocks last year at ilan sisiw at inahen. iyong natalo ko sa UBBA na nangayaw ay biktima din nang aso two months before ilaban at kagat na sa buntot ng maabutan ng mag-aalaga ko. aso ng kapitbahay pero dale rin siya ng 45 at ginawang pataba ng mangga.
isko
|
|
|
Post by balian on Mar 12, 2010 13:31:50 GMT 8
ka isko, nadale ka rin pala ng aso... pero ako askal lang ang aso ko sa manukan ko... apat ang aso ko. hindi naman pinakikialaman ang manok kapag nakakawala paminsan-minsan sa talian.
ang problema ko naman (sana) ay iyong kalapit ko na may taniman ng mangga. nag-spray daw ng pesticide last week ng wala man lang paabiso. napakabaho daw ng amoy ng gamot. buti na lang walang nanamlay sa manok at gumagala ko. kaya pinasaglitan ko na agad sa kapitan del barrio namin para pakiusapan. nadala naman sa pakiusap. ipu-pwera na daw sa susunod na pag-spray ng pesticide iyong mga puno na kalapit ng manukan ko.
madami din pala factor ang mortality rate sa pagmamanok.
|
|
|
Post by ncyabut on Mar 12, 2010 16:35:54 GMT 8
bry sa bulacan maraming puno ng mangga. wala naman side effect yung pesticide sa mga manok kahit mabasa sila nito. basta't itataob lang ang mga pot para hindi malagyan ang painuman nila. nakakaganda pa nga at pati mga mites sa manukan nababawasan tuwing nag spray sa mangga.
|
|
|
Post by balian on Mar 12, 2010 17:38:22 GMT 8
pre mark iyong sa pinsan ko kasi last year halos kalahati ng gumagala niyang cockerels ay namatay. nakatuka daw ng mga nagkalat sa lupa na kulisap at uod galing sa puno ng mangga... pati mga magugulang meron ding nadamay. siguro depende rin sa pesticide na gamit.
|
|
|
Post by noknok on Mar 15, 2010 15:49:15 GMT 8
Ang masama pag nag spray ay yong mga insecto ( na may lason ) na nahuhulog sa panananim at nakain ng mga manok na gumagala. Ingat na lang din.
|
|
|
Post by balian on Mar 25, 2010 10:00:39 GMT 8
meron na akong sisiw na 2 weeks old nasa 100+. sana meron pang stag derbies ng nov-dec hehehe...
|
|
|
Post by ncyabut on Mar 25, 2010 12:19:21 GMT 8
bry ang bakbakan usually nov-dec ang semis at finals nyan. tapos sa sjc at sa iba pang sabungan marami pa din ang mga clean-up na stag derbies. kaya tiyak mapapalaban ka pa din ng maganda sa mga stag derby sa buwan ng nov to dec. faylt!
|
|