|
Post by balian on Jul 31, 2009 11:03:45 GMT 8
sa nov 14 (nov 15 sa pinas) ay tuloy na ang pacman-cotto fight! 145lbs ang catch weigth! sa huling laban ni cotto ay 147lbs at si pacman naman ay sa 140lbs vs hatton.
madami ang nagsasabi na baka maging repeat performance lang ito ng dela hoya - pacman... dehydrated panigurado si cotto dito.
kaya ngayon pa lang ay 2-1 na ang logrohan pabor kay pacman. nagdadalawang-isip akong sumahod ;D
|
|
|
Post by aal on Aug 3, 2009 16:26:30 GMT 8
Meron din palo si Cotto kung baga sa manok. Tinalo niya si Mosley a few years back. Huwag lang mag kumpyansa si Pacman sa tingin ko me tulog itong si Cotto, kasi MABAGAL at likas na kulang sa HANGIN.
Simula ng matalo itong si Cotto kay Margarito ng Knockout last year eh malambot na ang mga sunod niyang 2 panalo. DAMAGED GOODS na.
AAL
|
|
|
Post by networker on Aug 4, 2009 14:50:03 GMT 8
Isang Kwadra maglalaban ;D
|
|
|
Post by aal on Aug 7, 2009 14:32:15 GMT 8
Isang Kwadra maglalaban ;D Kaya mabilis naikasa itong laban na ito dahil sa parehong HAWAK ni Bob Arum. Kaya WIN-WIN si Bob Arum.
|
|
|
Post by edgarc03 on Aug 7, 2009 17:02:46 GMT 8
Pre Bry pustahan ulit tayo kay Pacman ulit ako hehehehe....
|
|
|
Post by balian on Aug 7, 2009 17:59:14 GMT 8
Pre Bry pustahan ulit tayo kay Pacman ulit ako hehehehe.... pre egay, esep-esep pa muna ako. malayo pa naman.
|
|
|
Post by luckystreak on Aug 11, 2009 16:06:16 GMT 8
ingat lang si pacman kay cotto dahil klaseng matibay sa bugbog ito. hindi matatawaran ang inabot na suntok nito kay joshua clottey mula rd 1 hanggang 12 sa nakaraang laban nila.cotto winning narrowly.
napakagandang laban nito parehong bell-to-bell fighter.
|
|
|
Post by sayeret on Sept 8, 2009 20:27:00 GMT 8
magandang bakbakan na nman ito, mukhang gutom pa si pacman sa katanyagan kung matalo nya si cotto sya na ang kauna-unahan bosingero na kumana ng 7 title weight divisions. panig ako kay pacmac, focos ka sa laban man you know at hindi kay ara.
|
|
|
Post by bjb on Sept 25, 2009 16:10:36 GMT 8
nagsimula na ng trianing si pacman sa baaguio... pukupukan na naman sa training... magandang labanan ito...
|
|
|
Post by kanipaan on Sept 30, 2009 16:06:04 GMT 8
puede ring ilaglag ni pacman ang laban na to kung lyamado siya... iisa lang ang promoter si bob arum kaya di malayong ma tyope to...
|
|
|
Post by balian on Oct 3, 2009 13:38:15 GMT 8
bai bulungan moko kapag may laglagan. para makapusta ng maganda hehehe
|
|
|
Post by balian on Oct 23, 2009 16:16:49 GMT 8
doblado si cotto...
malalim ang logrohan...
sino kakasa? sahod ako kay cotto
|
|
|
Post by kanipaan on Oct 23, 2009 21:48:30 GMT 8
tama yan bai sahod talaga kung doblado malay natin kung ihuhulog ni pacman ang laban na to hehe...
|
|
|
Post by sayeret on Nov 3, 2009 13:52:44 GMT 8
malapit na ang laban na ito ano ang pulso ni boy wonder?
|
|
|
Post by luckystreak on Nov 9, 2009 18:28:04 GMT 8
matibay itong si cotto at kayang tumanggap ng suntok.kaya ingat lang si manny baka makapagpalusot ng KO punch si cotto.a win by points is enough for manny.
|
|