|
Post by pando on Sept 2, 2010 13:49:00 GMT 8
Nais ko lang pong ipabatid sa lahat ang pagpanaw ng ama ng ating kasamahan na si mar medrano (la concordia).
Sa linggo daw po ang libing. Sa mga kasamahan natin na may pagkakataong pumunta sa lugar ni mar ay maaring makipag-ugnayan na lang po sa kanya.
Dito ko na rin po iparating ang aking taos pusong pakikiramay sa mga naulila.
pando
|
|
|
Post by ambucao on Sept 2, 2010 15:27:02 GMT 8
Nais ko lang pong ipabatid sa lahat ang pagpanaw ng ama ng ating kasamahan na si mar medrano (la concordia). Sa linggo daw po ang libing. Sa mga kasamahan natin na may pagkakataong pumunta sa lugar ni mar ay maaring makipag-ugnayan na lang po sa kanya. Dito ko na rin po iparating ang aking taos pusong pakikiramay sa mga naulila. pando sir LC.. nakikiramay po kami...
|
|
|
Post by luckystreak on Sept 2, 2010 18:34:38 GMT 8
My heartfelt condolences to Mar Medrano and his whole family. May your father's soul rest in peace.
|
|
|
Post by sayeret on Sept 3, 2010 5:47:25 GMT 8
condolence bro mar...
|
|
|
Post by bblades on Sept 5, 2010 20:14:01 GMT 8
Pare, in behalf of my family, nakikiramay kami sa pagpanaw ng father mo. naalala ko pa laging nakamasid ang father kapag naghahanda tayo ng mga manok para sa mga derbies.
May his soul rest in peace!
Bblades
|
|
|
Post by firebats on Sept 7, 2010 18:16:49 GMT 8
Salamat sa mga nagparating ng pakikiramay... ngayon ko lang uli narating ang site na ito. Nailibing na po ang tatay at peaceful naman ang pagpanaw nya. ang regrets ko lamang talaga ay sana sa lahat ng bakanteng oras ko ay nakita ko siya, KAHIT WALANG MANOK sa lugar namin.
naulit na naman ang nangyari noon na nagmulat sa akin sa tamang paglalaan ng prioridad.
nung unang nagbigay ang UBBA ng donation sa SOS para sa mga ulila, pag uwi ko sa bahay ng lolo ko sa concordia ay tinanong ako ng pamangkin kong batang babae. di nya kasama ang nanay nya dahil itoy lumayas na sa tahanan nila, at ang tatay naman nya na kapatid ko ay busy sa ibang mga pansariling gawain, at siya ay kung kani kanino na lang nakiki tulog, minsan sa mga lolo nya o sa mga tiyo at tiya nya. ang sabi nya, tito mar, san ka galing, sabi ko nagbigay kami ng donation sa mga ulila galing sa UBBA na asosasyon na itinatag ko noon kasama ng ilang mga unang miembro at opisyales. ang sagot, nya, tito mar, dalhin mo na rin po ako sa ampunang iyon, maganda pala dahil nabibigyan nyo sila ng tulong... at ako'y napaiyak. naisip ko, walang kasing sakit pala ang maramdaman na nasa sarili mong pamamahay lang ang naghihintay ng tulong mo, at ang paggawa ng aktibidad ng charity, pagsikap na makalikom ng pera para ibigay sa mga institution bilang charitable donations, ay walang kwenta kung sa iyo mismong tahanan ay merong tulad nilang nangangailangan pero di mo magawang tulungan dahil di naman sayo ang perang iniaabot mo sa iba.
|
|