|
Post by balian on Nov 30, 2009 14:21:59 GMT 8
Stag derbies are almost over... except for Bakbakan & Rambulan na nasa final stage na ng stag derbies, karamihan sa mga sabungan ay Cock Derbies na ang mga naka-paskil sa sabungan. Tapos na ang taglugon ng balahibo ng ating mga panabong... sana ay hindi na rin lugon ang mga may-ari ng manok hehehe.
Sa akin, halos lahat ng stags ko ngayon ay tinesting ko muna sa ruweda habang stag pa. Meron akong mga linyadang masama ang winning record sa stag pero meron din naman na mataas ang winning percentage. Maliit lang ang farm ko kaya ang ginawa ko ngayon sa linyada na mababa ang winning percentage ay hindi ko na itinuloy ang lahi. Gustuhin ko man na ituloy at palugunin muna bago subukan kapag cock na pero dahil maliit lang ang lupa ko kaya iyong mga linyada na puwede sa stag at cock na lang ang itinutuloy ko ngayon.
Sa nagdaang lima hanggang anim na buwang paglulugon ng ating mga panabong... ano-ano ba ang kailangang pagbasehan natin bago natin palugunin ang manok natin? Kailangan ba na ito ay basal o hindi pa nailaban habang stags o mas pabor ba tayo na palugunin kung may panalo na?
|
|
|
Post by luckystreak on Dec 1, 2009 6:20:29 GMT 8
bry mas maganda palugunin ito kung may panalo na at yung mga hindi gaano nasalanta sa laban.mga recyclable lines mga ganyan at gugulang ng gugulang yan sa panalo hanggang maging mga century birds. ;D
|
|
|
Post by balian on Dec 1, 2009 9:49:49 GMT 8
tama sir. mas tataas ang kumpiyansa natin kapag may panalo na... nakakainip din kasing mag-antay makalugon. mas sumasarap pati ang wentoooohan kapag meron ng winning moments ang mga manok natin.
pero ang mga bigtime (i.e. madaming manok, malalaki ang farm) ay nagpapalugon lalo na kapag may pinaghahandaang bigtime derbies like WSC.
|
|
|
Post by ncyabut on Dec 1, 2009 13:05:01 GMT 8
kami naman. palaging may pinalulugon na at least "pre-selected" na 30 heads para maging 3 year old. tapos bonus na lang yung mga stag derby winners and cock winners. iba pa din talaga na may panlaban na magulang palagi. iba ang palo at diskarte ng mga 3 year old.
|
|
|
Post by balian on Dec 1, 2009 15:40:07 GMT 8
meron akong kilala kahit hindi pa nakakalugon ang stag isinasabak na sa cock derby... ano kaya masasabi ni wonder boy hehehehe...
|
|
|
Post by aal on Dec 1, 2009 16:19:20 GMT 8
meron akong kilala kahit hindi pa nakakalugon ang stag isinasabak na sa cock derby... ano kaya masasabi ni wonder boy hehehehe... Ang masasabi ko lang eh ang STAG hindi niya alam ang edad niya.....hehehehehehehehehehehehehe. AAL
|
|
|
Post by balian on Dec 1, 2009 18:52:06 GMT 8
meron akong kilala kahit hindi pa nakakalugon ang stag isinasabak na sa cock derby... ano kaya masasabi ni wonder boy hehehehe... Ang masasabi ko lang eh ang STAG hindi niya alam ang edad niya.....hehehehehehehehehehehehehe. AAL bwehehehe... muntik nako mahulog sa upuan ko dito... ;D
|
|
|
Post by luckystreak on Dec 2, 2009 12:29:00 GMT 8
may kakilala nga ako kahit talo at tabla pinapalugon. kaya ang record ng mga manok niya parang mga boxer, may W may L at may D. ;D
|
|
|
Post by balian on Dec 2, 2009 19:25:10 GMT 8
may kakilala nga ako kahit talo at tabla pinapalugon. kaya ang record ng mga manok niya parang mga boxer, may W may L at may D. ;D kilala ko rin ba 'yan ;D ;D
|
|
|
Post by luckystreak on Dec 4, 2009 8:18:08 GMT 8
ang dali idescribe nitong mamang ito.kilalang-kilala mo yan bry. ;D
|
|
|
Post by sayeret on Jan 10, 2010 21:18:17 GMT 8
clue naman dyan, ano umpisang titik ang pangalan nya? hehehe
|
|