|
Post by luckystreak on Dec 4, 2009 8:27:39 GMT 8
Pili na kayo mga braders.Walang logrohan.Pareho lang tinatawag yan.
|
|
|
Post by balian on Dec 4, 2009 8:45:07 GMT 8
sa point of view ng IT people, bigyan mo nga sir ako ng konting pasakalye kung papaano itong automated poll... secured ba at hindi mapapasukan ng "bug" ang programs...
|
|
|
Post by luckystreak on Dec 4, 2009 9:56:16 GMT 8
bry yung security features niyan ay yung software maker ang makakapagbigay ng detalye.sa comelec i am sure diniscuss yan pero i doubt kung idisclose nila yan sa public.
ang "bug" naman dapat ay zero.dahil kung may "bug" pa program nila hindi pa yan dapat i-rollout. sa QA pa lang bagsak na kaagad yan.
ipagpalagay na lang muna natin na ito ay parang simpleng pagtaya natin sa lotto.kasi ang manner of selecting ng bet ( shading ), pagsubo sa machine pati na processing ng output nito ay tila pareho.
|
|
|
Post by pando on Dec 4, 2009 11:16:17 GMT 8
at kung sakaling pumalya o di kaya eh doubtful ang output, yung "BUG" na yun din lang ang posibleng masisi.
;D
|
|
|
Post by balian on Dec 4, 2009 16:02:25 GMT 8
hmmm tingin ko ay may daya pa rin na puwedeng mangyari... puwede kasi na ready made na ang balota na isusubo sa machine... ibahin mo ang pinoy hehehe.
|
|
|
Post by luckystreak on May 5, 2010 7:30:45 GMT 8
hindi pala daya ang lilitaw kungdi software bug or glitch.or this is another form of daya.hehehe
sana lang itong mga flash cards ay tinest at sinelyuhan ng third party independent integrity and security provider i.e. french company Societe de Generale de Surveillance ( SGS ).
ang pinatingnan kasi sa third party ( Japanese Co. ) ay yung source code.pero sa pagmanufacture ng flash cards wala nang nagcheck at nagtest na third party.how can we be sure na the same program at source code yung ikinarga sa mga flash cards at walang mga salamanca ito.
sa scenario na ito tuwang-tuwa na naman malamang dito ang pandak sa malacanang at ang kanyang mga alipores sa comelec.
|
|
|
Post by luckystreak on May 10, 2010 15:55:37 GMT 8
mabagal ang proseso ng botohan dahil sa front-end problem pa lang.wala pa yung technical problems like machine malfunctions, power outage, etc.
semi-automated lang pala ito.kasi manual pa din ang verification / checking ng mga voters bago ka bigyan ng balota. isa itong major cause ng delay sa pagboto at super haba ng pila.
at lalong bumagal dahil sa pag-cluster ng 4-5 voting precincts into 1 voting room only. 1 voting room, 1 PCOS machine, 1 group of BEI will serve up to 800-1000 voters. 1 voter will take around 5-10 mins. or more from verification to inserting ballot to PCOS unit.may problema na kaagad dito sa time and motion.
i.e. pumila kami ng anak ko at 7:00 AM when our voting room opened. natapos kami pang 67th at 68th respectively at around 9:30 AM.i observed that the shading of ballots is fast and is not a problem at all among the voters.ito lang talagang verification at clustering ang naging sanhi ng problema.
sana next time fully automated na. swipe lang ang iyong voter's card or biometric scan or simply enter your name sa keyboard then lalabas na yung mukha / identification details mo sa monitor.tapos bibigyan ka ng balota.sigurado mas mabilis ito.
yung back-end, consolidated report processing / generation from LAN to WAN hindi pa natin alam.sana walang electronic dagdag-bawas ito.
|
|
|
Post by balian on May 10, 2010 16:30:18 GMT 8
sa amin dito sa kuala lumpur, pinapadala ang balota at listahan ng mga kandidato sa mga rehistradong botante through post mail (nakasobre). then isusulat mismo ang pangalan ng kandidato sa balota. then post mail pabalik sa phil embassy or puwede ring hand-carry kung malapit lang sa embassy ang lugar. ginawa ito noon pang abril. ngayong May 10 daw bubuksan ang mga balota at saka bibilangin ng manu-mano pa rin.
pero sa hongkong at singapore at automated na daw. pero marami pa rin ang hindi nakaboto dito kasi walang initiative ang embahada na ipamalita ang ganitong sistema. malalaman mo lang na puwede kang bomoto (absentee) kung nagkataong mapupunta ka ng embassy (for some other reason) at doon nakalagay ang announcement tungkol sa absentee voting.
sa kaso ko kasi, 4x na akong lumipat ng bahay kaya ang address ko ay pabagu-bago. kung di pa ako pumunta ng embassy ay di ako makakakuha ng balota.
|
|