|
Post by kanipaan on Feb 8, 2010 2:21:06 GMT 8
mga braders,
paano ba ninyo pinapapayat ang mga matatabang inahin ninyo para umitlog ng may semilya?
marming salamat...
reggie
|
|
|
Post by aal on Feb 8, 2010 9:38:52 GMT 8
Bai,
Baka makatulong 6 kilos Duck layer pellet - 3 kilos Corn - 1 kilo Jockey Oats. Ito lang pakain ko. Itlog naman ng itlog inahin ko kahit matanda na.
AAL
|
|
|
Post by balian on Feb 8, 2010 10:07:49 GMT 8
bai reggie, kung talagang mataba o may sapola ay alisin muna ang crack corn sa feed mixture. at mas maganda kung pagagalain muna yung mga may sapola. turukan ng multivitamins weekly habang inihahanda ang inahin (e.g. belamyl, bexan, etc.).
ka abet, pareho tayo duck layer pellet din ang gamit ko. pero instead na jockey oats at crack corn ay regular concentrate naman sa akin.
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 8, 2010 10:15:18 GMT 8
kami all year round, once a day lang magpakain sa mga inahin. bukod pa sa tipid sa patuka hindi rin sila nagkakasapola. layer na may halong breeder pellets ang pagkain nila once a day.
|
|
|
Post by joven on Feb 8, 2010 11:30:27 GMT 8
enertone naman patuka ko sa lahat ng manok ko . kahit maparami ka ng bigay lalapad lang katawan pero hindi nagkakasapola. ganun din sa hen enertone mix lang kunti ng breeder pellet ayos na.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 8, 2010 13:36:13 GMT 8
maraming salamat sa mga replies ninyo mga braders...
once a day na pakain ay may sense at sa range sila ilalagay... susubukan namin to...
|
|
|
Post by balian on Feb 8, 2010 14:55:09 GMT 8
kapag isang beses lang pakakainin ang mga inahin, at nakita ng mga inahin na pinapakain iyong mga naka-cord na tandang at hindi kasabay ang inahin... siguradong magkakarebok ang mga manok hehehe.
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 8, 2010 14:58:43 GMT 8
pre bry, actually kami nga pag malapit na breeding season tapos hindi pa din nag lulugon ang mga inahin ang ginagawa namin no feeds for 5 days. ayun maglulugon bigla. forced moulting kumbaga. so far effective. after 5 days naman back to normal ang chibog nila. mahirap kase minsan mag breed tapos dun pa lang maglulugon.
|
|
|
Post by balian on Feb 9, 2010 13:37:39 GMT 8
ayan bai subukan natin ang tip ni pareng mark... 5 days na walang kain, siguradong papayat ang manok ng napakabilis.
pero effective ba talaga ito para sa forced moulting? o sa inahin lang ito applicable?... kasi sa tandang, kapag napalaban at nagkasugat sa loob ng katawan ay hindi kami nagpapakain o nagpapainom ng 5 to 7 days. pero hindi naman naglulugon after maka-recover sa sugat.
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 9, 2010 13:43:00 GMT 8
bry, sa inahin lang namin ginagawa yang forced moulting ha. sa mga panlaban kung maari nga ayaw namin maglugon. ika-nga ng kaibigang abet natin. iba na ang may panalo bago makalugon ang manok. tama ka hindi applicable yan sa tandang.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 9, 2010 14:05:10 GMT 8
kung di pakakainin ng 5 days puede bang lagyan lang ng tubig pero walang feeds?
|
|
|
Post by balian on Feb 17, 2010 18:03:30 GMT 8
si rita payat na daw ngayon bwehehehehehe... itanong natin sa kaniya.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 17, 2010 18:11:09 GMT 8
ganun? ibig sabihin sumi-sexy na siya ngayon? bwehehe... ;D
epektib yung di pakainin... ayun nasalang na ulit ang mga inahin kong tabatsoy... sana maka itlog na sila this time...
|
|
|
Post by ubb6793 on Apr 15, 2010 19:26:50 GMT 8
mga braders, paano ba ninyo pinapapayat ang mga matatabang inahin ninyo para umitlog ng may semilya? marming salamat... reggie Ilagay mo sa scratch pen bai at dun mo siya pakakainin ng palay o jockey oats (with supplements) hanggang mawala ang sapola.
|
|
|
Post by kanipaan on Apr 15, 2010 23:10:20 GMT 8
bai gilbs,
na-breed ko na yung matabang inahin... di namin pinakain at tubig lang na may suppliments ang ration niya...
reggie
|
|