|
Post by sayeret on Feb 24, 2010 20:26:49 GMT 8
Bros. ano ba ang pulso nyo sa labanan ito???
|
|
|
Post by balian on Feb 25, 2010 10:16:33 GMT 8
doblado....... pacquiao ako. sino may gusto? hehehe...
|
|
|
Post by edgarc03 on Feb 25, 2010 10:50:06 GMT 8
Pre Bry, Ganito na lang pustahan kung anong around matutulog si Clottey hehehe... Round 1 - 2 Round 3 - 4 Round 5 - 6 Sigurado di na aabot ng 12 rounds yan hehehe... ano pumili ka na dyan pre sa Round 3 - 4 ako para naman maganda ganda nang kunti at me mapapanood Edgarc03
|
|
|
Post by balian on Feb 25, 2010 11:42:00 GMT 8
bro ed, sige Round 5-6 ako.
pero di ako marunong ng pustahan ng per round hehehe... paano ba kapag hindi napatulog after 6 rounds, tabla ba tayo?
at paano kung merong gusto ay Round 1-2, pareho ba tayo magbabayad sa kaniya kung siya ang mananalo?
ang gandang laban nito... sa PPV ko ito papanoorin.
good luck krista!
|
|
|
Post by edgarc03 on Feb 25, 2010 16:45:43 GMT 8
Pre Bry,
Oo let say sa round 1 or 2 or sa ibang round na hindi natin napili at natulog sya eh di tabla tayo unless me nakapusta dun sa Round 1 or 2 pareho tayo talo sya ang panalo hahaha.... ako baka panoorin sa sinehan to. Masaya kasi pag sa mga mall ka nanonood. Last time kay Cotto sa Aliw Theater ako nanood dami tao ang saya grabe kantyaw at ingay mga tao hehehe...
Edgarc03
|
|
|
Post by balian on Feb 25, 2010 23:49:33 GMT 8
ok pre ed... larga na 'yan... tunay na talagang ang anumang sports ay kulang ang excitement kung walang kasamang pustahan hehehe... ito ang hindi maintindihan ng mga KJ nagpa-booked na ako sa cable TV provider dito... ASTRO TV. Rm39.95 x 13.5 = Php540.00... sa pinas ba magkano ang ticket sa sine? teka nakalimutan natin... ano nga pala pre ang pagpupustahan natin? ikaw na mag-suggest pre...
|
|
|
Post by edgarc03 on Mar 1, 2010 11:19:42 GMT 8
Pre Bry,
Isan case na beer ulit alam ko me utang pa kami ni Arvin nang pulutan eh kasi quits tayo sa beer di ba hehehe... para isang inuman na lang yan pag uwi mo sa 7th anniversary natin hehehe...
Edgarc03
|
|
|
Post by balian on Mar 1, 2010 11:27:48 GMT 8
sige p're call ang 1 case. kapag nabitin sa 1 case ay ipasagot natin ang kulang sa pondo hahaha.
|
|
|
Post by luckystreak on Mar 4, 2010 21:18:05 GMT 8
dito sa sabungan sa amin sobra llamado si pacman. doblado na logro wala pang sumasahod.gusto yata 10-3. ;D
tingin ko nga nakaskedyul mahiga itong si clottey for a fee.round # na lang ang pinaglalabanan.
|
|
|
Post by edgarc03 on Mar 9, 2010 16:34:10 GMT 8
Pre Ben4, Oo nga wala ngang pumupusta kay Clottey kaya ganun na lang ang pustahan gaya nang ginagawa namin ni Bry hehehehe... at least pareho kaming kay pacman. Sa rounds na lang kami manghuhula kung kelang matutulog so Clottey Edgarc03
|
|
|
Post by luckystreak on Mar 9, 2010 19:43:04 GMT 8
pre ed mabuti nga yang pustahan kung anong round matatapos.malaki tiyansa tabla pustahan niyo pag wala nakapusta sa round na natapos ang boksing.
eto matindi.ang logrohan ng oddsmakers sa vegas.
kung pacman ka 800 US$ mo manalo ng 100 US$.kay clottey naman 100 US$ mo manalo ng 550 US$.
tinalo pa ni pacman ang odds sa laban ng karera ng 14 na kabayo. ;D
|
|
|
Post by balian on Mar 10, 2010 17:28:16 GMT 8
nasa Texas na daw si pacman. let's get ready to rumbleeee... magpapalamig na ako ng beer sa ref... sana tumagal laban para di lugi ang pag-subscribe ko sa PPV hehehe. magaganda rin ang mga laban sa undercard... narito ang complete fight list:
Main Event:
* WBO Welterweight Championship bout: Manny Pacquiao (Philippines) vs Joshua Clottey (Ghana)
Undercard:
* WBC Super Featherweight Championship bout: Humberto Soto (Mexico) vs David Diaz (USA)
* Lightweight bout: Jose Luis Castillo (Mexico) vs Alfonso Gomez (Mexico)
* Middleweight bout: Michael Medina (Mexico) vs John Duddy (Ireland)
* Super Bantamweight bout: Robert Marroquin (USA) vs Samuel Sanchez (USA)
* Lightweight bout: Slavador Sanchez III (Mexico) vs Jaime Villa (Mexico)
* Featherweight bout: Michael Farenas (Philippines) vs Joe Morales (USA)
* Bantamweight bout: Eden Sonsona (Philippines) vs Mauricio Pastrana (Colombia)
|
|
|
Post by sayeret on Mar 10, 2010 17:43:35 GMT 8
maganda pala ang mga undercard, isa sa mga promising future boxer champ din itong si sonsona
|
|
|
Post by balian on Mar 12, 2010 13:18:53 GMT 8
malamang ay di maipakita sa PPV ng HBO ang laban ng pinoy sa undercard. limitado ang oras e. dati, yung last 4 undercard fights lang ang ipinapakita bago ang main event.
sabi ng tagaluto ni clottey, sa hospital daw itatakbo si pacman pagkatapos ng laban hehehe.
|
|
|
Post by balian on Mar 13, 2010 15:01:16 GMT 8
tapos na weigh in...
pacman 145.75 lbs.
clottey 147 lbs
|
|