|
Post by balian on Aug 7, 2009 21:20:05 GMT 8
Dear Cockmates,
Nasira daw timbangan ko sa farm. Baka meron kayong alam na nagbebenta? digital ang kailangan ko. ASAP!
Thanks,
|
|
|
Post by ncyabut on Aug 8, 2009 21:27:13 GMT 8
bry, kay wilvyn sy yung tanita. alam ko P5k before delivered pa sayo. hanapin ko cp number ni wilvyn sy pre.
|
|
|
Post by balian on Aug 9, 2009 13:49:01 GMT 8
bry, kay wilvyn sy yung tanita. alam ko P5k before delivered pa sayo. hanapin ko cp number ni wilvyn sy pre. kopya pre. titingin ako dito ng tanita baka sakali mas mura.
|
|
|
Post by rl891222 on Aug 10, 2009 14:20:44 GMT 8
Bry,
Sa Makro any branch mayroon.
Sir Limon
|
|
|
Post by balian on Aug 10, 2009 18:26:56 GMT 8
Bry, Sa Makro any branch mayroon. Sir Limon ok na sir. nakakita na bata ko sa sta. cruz (laguna) kanina. national ang brand. Php2800 ang price with rechargeable battery. every 50 grams ang graduation or division. 30kg ang max weight limit. ito raw 'yung ginagamit ng mga nagtitinda ng karne sa palengke.
|
|
|
Post by rl891222 on Aug 11, 2009 16:49:23 GMT 8
Ok Good. at least may magagamit sila
|
|
|
Post by luckystreak on Aug 22, 2009 7:50:44 GMT 8
Sa Divisoria 168 mall meron kitchen scale digital 5KG grad 1g Php 500.00 lang ito dati.Pwedeng -pwede ito.
Gamit ko ito ngayon sa bahay dahil pinatitimbang muna ng doctor yung kinakain kong nagpapataas ng uric acid.Dapat daw wag lalampas sa 100g per serving. ;D
|
|
|
Post by ncyabut on Sept 8, 2009 21:28:12 GMT 8
bry may nakakatuwang kuwento tungkol dito sa timbangan mo. yung mga boys mo kase pinuwesto yung bago mong timbangan sa may tarian. so akala ng mga nagtitimbang ito ang official na timbangan ng san mateo. so hala sige timbang ng kanya-kanyang stag dun sa timbangan mo. maya-maya may nagsabi, hindi naman yan ang timbangan ng sabungan ah. sabay segunda ng tao mo na , oo nga amin yan eh. nung malaman nila kung alin ang timbangan ng san mateo dun lang din nila nalaman na may 10 grams difference dun sa timbangan mo at saka sa timbangan ng san mateo. eh yung iba nakapagpakain na. so kaliwa't kanan ang nagkakamot ng ulo kung panong diskarte ang gagawin nila sa submission dahil may 10 gram difference nga . dun mo makikita yung mga magagaling sa math.hehehe napangiti na lang kami ni baby boy habang inoobserbahan namin ang kanya kanyang diskarte.
|
|
|
Post by balian on Sept 8, 2009 22:24:34 GMT 8
hehehe... medyo malaki nga pre. hindi ko na nausisa mga bata ko kung puwede i-calibrate ang timbangan. pati kaldero pang-fiestahan ang dala-dala. puwede kaya sa SJC yung kaldero ko pagbabaunin ko sila 3kg na adobong baboy baon nila ubos hindi ako natirhan.
|
|
|
Post by blondon on Sept 11, 2009 3:29:24 GMT 8
hehehe... medyo malaki nga pre. hindi ko na nausisa mga bata ko kung puwede i-calibrate ang timbangan. pati kaldero pang-fiestahan ang dala-dala. puwede kaya sa SJC yung kaldero ko pagbabaunin ko sila 3kg na adobong baboy baon nila ubos hindi ako natirhan. kuya akala ko nag palitson ka heheheheh
|
|
|
Post by balian on Sept 11, 2009 15:33:43 GMT 8
kuya boyet, may dala akong dalawang tig-1 liter na jack daniel galing duty free noong derby kaso masyado ng naging busy sa sabong kaya nakalimutan ng magpainit
|
|
|
Post by balian on Sept 30, 2009 17:33:06 GMT 8
heto pala ang nabili kong weighing scale
|
|
|
Post by raffyfelicitas on Mar 6, 2010 9:56:24 GMT 8
heto pala ang nabili kong weighing scale Sir Balian, ang ganda nitong scale na nabili mo at mag kano po ang pag kabili mo at saan tindahan, iyon timbangan ko ay kailangan ng palitan at nasira na salamat po...Mang Raffy
|
|
|
Post by balian on Mar 8, 2010 10:11:50 GMT 8
mang raffy,
sa hardware sa sta. cruz (laguna) po ito nabili. "national" ang brand. Php2800 ang price with rechargeable battery. every 50 grams ang graduation or division. 30kg ang max weight limit. ito raw 'yung ginagamit ng mga nagtitinda ng karne sa palengke.
bry
|
|
|
Post by raffyfelicitas on Mar 8, 2010 17:43:56 GMT 8
mang raffy, sa hardware sa sta. cruz (laguna) po ito nabili. "national" ang brand. Php2800 ang price with rechargeable battery. every 50 grams ang graduation or division. 30kg ang max weight limit. ito raw 'yung ginagamit ng mga nagtitinda ng karne sa palengke. bry Sir Balian, kamusta naman po itong timbangan niyo at okey naman po bang gamitin ang ibig ko sabihin iyon quality at pwedeng recomemda sa amin at mura na 2800.00, malamang sa Ongpin sta-crus manila meron nag-titinda, salamat po at nag kakanvas lang ng price at quality...Mang Raffy
|
|