|
Post by balian on Feb 9, 2010 21:52:55 GMT 8
Sinong may mga contacts sa mga Suppliers? Magbubukas ako ng tindahan at makapag-negosyo ng konti.
Salamat.
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 10, 2010 8:38:58 GMT 8
bry kontakin mo si arnel annonuevo. matutulungan ka nyan. +639209475205 or +639209470665. lista mo mga kailangan mo. basta wholesale mura sa kaagpas. from bakuna to feeds at mga farm supplies and equipment. tawagan mo di ang progressive kumpleto din sa supplies yan. dyan maganda kumuha lalo ng kung in bulk. 372-3636 or 372-3637.
|
|
|
Post by balian on Feb 10, 2010 10:10:07 GMT 8
salamat p're mark.
sa mga malalapit sa muntinlupa, para sa inyong mga poultry supply needs, makakabili kayo sa magandang presyo dito sa tindahan ni sir prexy limon. heto ang address:
R. Limon Poultry Feeds Supply 222 National Rd, Bayanan, Muntinlupa City. (malapit sa Mercury Drug) Tel. Nos. (632)7826373 or 6662352
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 10, 2010 10:43:31 GMT 8
magandang negosyo nga yan bry. kita mo naman si don ramon limon ng muntinlupa tulad ng naikuwento nya satin, maganda ang kita. marami syang natutulungan. di ba may iba pang branches yung kay sir mon na poultry supply?
ako balak ko din later this year magbukas ng ganyan. naghahanap na lang ako ng magandang puwesto. para kung sakali puwede nang mag retiro at magpahinga habang naghihimas ng chicks este ng manok sa pinas.
|
|
|
Post by noknok on Feb 10, 2010 12:22:40 GMT 8
bro mark/bry
mag kano ba ang initial capital for this investment?
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 10, 2010 12:37:25 GMT 8
tito paul! normally, mag stock ka lang ng isang sangko ng concentrate, pellets, mais, etc etc amounting close to P20k ayos na. depende na lang din yan sa lakas o tumal ng bumibili sayo. ang malaking gastos talaga ay yung pagpapaayos ng puwesto. kailangan maganda at maayos ang lalagyan ng feeds mo at hindi lang basta-basta naiiwan sa sako para hindi ito madaling masira o kaya dagain. at syempre depende na din sa dami ng klase ng mga gamit (tulad ng folding pens at 3 by 3 at flying pens) bitamina at gamot na balak mong ibenta habang dumadami ang gusto mong ibenta na gamot at bitamina lalaki ang kapital mo. minsan aabot ng P100k ang initial na minimum mong ilalabas na kapital. pero maganda naman ang returns sa ganitong negosyo. basta't iiwasan mo lang din ang magpautang at baka sa tubig ito ilista ng kumuha sayo.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 10, 2010 14:06:15 GMT 8
hmmm puede... alam ko dati sa sarimanok co. may negosyo package sila 50K, 100K & 200K ang sila ang gumagawa ng TB at sister company yata nila ang UNIVET.
bai mark,
meron bang ganito sa purina? sino ba ang sales manager ng purina sa negros?
reggie
|
|
|
Post by balian on Feb 10, 2010 14:17:18 GMT 8
pre mark, dalawa na nga ang puwesto ni don ramon. kaya mukhang maganda ang pasok ng pera kaya nag-expand pa hehehe. iyong address na ibinigay ko ay iyon ang main store niya. nasa muntinlupa rin iyong isa pang tindahan ni sir.
tito paul, bukod sa tinuran ni mark ay isama mo na rin ang magiging renta ng puwesto, kung wala kang sariling puwesto. kaya sa pag-budget ng initial capital, kung uupa ka ng puwesto ay kadalasan merong deposit at advance payment na hinihingi ang may ari, mga 3 months siguro.
maganda ito... usapang negosyo naman tayo na related pa rin sa hobby natin. sa lugar ko kasi, ako mismo ay nahihirapang maghanap ng mga brand ng feeds na gusto ko, pati mga gamot at pambakuna, lalo na sa mga equipments. kailangan ko pa minsan bumili sa metro manila samantalang nasa probinsiya ang mga malalaking gamefarms.
ang pagnenegosyo ay parang sabong din... puwedeng matalo o malugi. pero basta masaya tayo sa ginagawa natin ay FAYLT!
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 10, 2010 14:29:34 GMT 8
tama ka dyan pre bry. masarap ang magkaroon ng negosyo na malapit sa puso natin. masarap pumasok sa ating "opisina" nyan dahila ng mga kliyente natin ay kapwa natin sabungero. yang ang balak ko after awhile na pag-tratrabaho dito sa abroad. para mas ma-enjoy natin ang life.hehehe kahit paano ay may sulit ang pagtitiis natin sa pagka-keyboard dito sa ibang bansa. malaki nga ang kita malayo naman sa ating mga alagang chicks in tagalog sisiw.hehehe
|
|
|
Post by balian on Feb 10, 2010 14:51:32 GMT 8
sana makapag-share din si don ramon ng kaniyang success story dito.
|
|
|
Post by balian on Feb 11, 2010 15:05:10 GMT 8
tinawagan ko ang Purina kahapon... free trucking/delivery sana kaso P50k ang kailangang minimum order. kaya dapat ay more than P50K ang initial capital.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 11, 2010 17:09:04 GMT 8
tinawagan ko ang Purina kahapon... free trucking/delivery sana kaso P50k ang kailangang minimum order. kaya dapat ay more than P50K ang initial capital. ano-ano namang mga products ang kasama sa 50K bai?
|
|
|
Post by balian on Feb 11, 2010 18:09:46 GMT 8
nag-request ako sa ahente ng price list bai. ipopost ko dito kapag natanggap ko na. bahala na daw akong pumili ng produkto nila basta ang minimum worth ay P50k.
naghahanap ako ng ibang supplier na mas mababa ang hinihingi na minimum order. wholesale kasi. siguro mga min. of P20k... para puwede akong kumuha ng kahit 3 different suppliers of three different products. mas maganda kasi kapag wholesale para mas lalong magiging competitive ang retail price.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 14, 2010 0:46:09 GMT 8
mas okay to bai kung may pwesto ka na o sarili mo ang pwesto para less sa overhead...
|
|
|
Post by sayeret on Feb 14, 2010 15:35:24 GMT 8
pde nyo rin idagdag ang papisaan ng eggs
|
|