|
Post by kanipaan on Feb 8, 2010 14:37:55 GMT 8
mga braders,
magandang pag-usapan din natin dito to dahil eto ang "in" ngayon...
palagay nyo ba may advantage ang mahabang tari (4" or longer)? sa WSC & candelaria andami nang gumagamit nito...
ang sistema pa, di na eto sumusunod sa traditional na ang kinakabit na tari ay ayun sa haba ng paa ng manok... basta na lang kabitan ng 4" or longer regardless of the fowls station...
please share your insights here...
reggie
|
|
|
Post by balian on Feb 8, 2010 14:44:13 GMT 8
bai, saan naka-asinta ito: tahid? prop toe? o puwet?
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 8, 2010 14:48:51 GMT 8
normally sa tahid kung normal ang tahid at paa ng manok pero minsan sa puwit kung irregular ang point ng tahid...
bai etong mas mahabang tari pangit sa in infighting at sa drag pero di na daw kailangan yun kasin di na aabot sa drag dahil mas madali daw etong makapatay dahil malaki at mahaba nga...
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 8, 2010 14:50:23 GMT 8
sample ng 4 & 4.5" samurai:
|
|
|
Post by luckystreak on Feb 8, 2010 15:01:13 GMT 8
nakapanood ako niyan recently sa probinsiya bandang south. lamang sa talo ang samurai.
parang sinasapalaran mo manok mo sa 1 hanggang 2 liparan.pag hindi nakayari lamang sa todas ang manok mo.
|
|
|
Post by balian on Feb 8, 2010 15:15:02 GMT 8
kapag parehong salto at nagsabayan, palagay ko ay lalamang nga ang mas mahaba ang armas. pero paano kapag hindi sumasabay ang kalaban at nag-aabang lang sa ibaba...
depende pa rin sa asinta ng tari siguro. mas fatal daw sumugat kapag naka-45 degrees sa prop toe at nasa 1 o'clock naman ng bilog ng butas ng puwet.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 8, 2010 15:23:50 GMT 8
yung iba kasi gumagamit nito dahil may nakita silang advantage kaya tiba-tiba ang mga tari maker ngayon dahil dumadami ang demand at mas mahal ang presyo nito kay sa ordinaryong sukat...
|
|
|
Post by balian on Feb 8, 2010 16:02:21 GMT 8
heto ang isang remedyo ng mga mananari kapag wala sa sukat ang tari sa paa ng tatarian nilang manok. ang sapin ng tari kapag mahaba ay kumakapal siempre. at kapag makapal ang sapin ay humahaba rin ang reach ng tari.
nga pala, kaibigan ko ang gaffer ng RED COBRA, si Itoy. 8-0 sila sa katatapos lang na WSC. itatanong ko nga kung anong sukat ng tari ang ginamit niya hehehe.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 8, 2010 18:53:05 GMT 8
heto ang isang remedyo ng mga mananari kapag wala sa sukat ang tari sa paa ng tatarian nilang manok. ang sapin ng tari kapag mahaba ay kumakapal siempre. at kapag makapal ang sapin ay humahaba rin ang reach ng tari. nga pala, kaibigan ko ang gaffer ng RED COBRA, si Itoy. 8-0 sila sa katatapos lang na WSC. itatanong ko nga kung anong sukat ng tari ang ginamit niya hehehe. mahahaba daw ang gamit ng RED COBRA bai... paki double check na lang kay itoy kung totoo ba...
|
|
|
Post by balian on Feb 8, 2010 19:26:49 GMT 8
heto ang isang remedyo ng mga mananari kapag wala sa sukat ang tari sa paa ng tatarian nilang manok. ang sapin ng tari kapag mahaba ay kumakapal siempre. at kapag makapal ang sapin ay humahaba rin ang reach ng tari. nga pala, kaibigan ko ang gaffer ng RED COBRA, si Itoy. 8-0 sila sa katatapos lang na WSC. itatanong ko nga kung anong sukat ng tari ang ginamit niya hehehe. mahahaba daw ang gamit ng RED COBRA bai... paki double check na lang kay itoy kung totoo ba... bai heto na mainit-init pa telepono ko. katatapos lang naming mag-kwentuhan ni Itoy. nakabalato pa tuloy ako ng isang case ng SMB with ka-table pa... pero pag-uwi ko pa matitikman. alam na daw ni Itoy ang kilatis ko pagdating sa pullet. sabi ni Itoy, banana at diamond cut ang ginamit niya. regular lang ang haba depende sa paa ng manok. tinanong ko kung hanggang saan ang haba, mula prop toe hanggang tuhod pa rin daw ang basehan niya at hindi lampas ng tuhod ang dulo ng tari. kaya hindi ito mahahaba at hindi daw siya gumamit ng samurai dahil wala siya nito pero naririnig na niya ang tungkol sa samurai. iyong last fight daw ay kinuha ang kalaban sa isang lipad lang. mas mababa pa sila sa laban. diamond cut ang nakakabit niya. yan ang kwento ng isang gaffer na perfect 8-0 sa WSC. sasali sila sa bullang-bullang at meron na ring inihahanda para sa WSC II sa May.
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 8, 2010 20:02:53 GMT 8
Bai, banana type nga na manipis ang uso ngayon. Medyo mahaba nga ang sukat. Tulad ng nasa pic sa taas. Ganyan ang kinakabit nila noli, at angelo, albert at yung mga kapatid nya, jheng licaroz at karamihan ng kumakabit sa bigtime . Nung tumari si alan na bata ni ricky valencia at ni hitman sa akin ganyan din ginamit. Deadly sa breaking . Lalo na sa mga vertical. Pag sumugat akala mo tinaga yung manok. Sa lupa palibhasa mahaba kailangan power talaga ang manok para sumira. Mahirap nga lang itama sa close infighting. Pag di nakabuwelo sa dikitan pipikete lang.
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 8, 2010 20:09:31 GMT 8
Dagdag ko nga pala, personally mas gusto ko yung regular na sukat lang. Lamang sa panalo. Normally mas ok sakin yung sukat sa baba ng tuhod. Diamond cut na bamama type na tama lang ang lapad. Ang diamond cut daw kase since may kanto pag sumugat mas matindi ang damage pag hugot. Tiyak tatagas at sira. Mas marami kaming panalo kumpara sa mga samurai-type. Sa mahaba kase daming nasasayang na palo pag dikitan na. Kaya yung pinagawa ko mga maiigsi lang ang sukat.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 8, 2010 21:13:03 GMT 8
palagay ko nga mahirap mahaba sa in fighting para tong punyal vs. samurai mas nakakalamang ang samurai kung malayo-an pero kung nasa loob sila ng drum mas lamang ang punyal hehe...
|
|
|
Post by balian on Feb 9, 2010 19:41:14 GMT 8
si boss bobby ay tumatari... baka makapagbigay siya ng magandang inputs.
ang bagong set ko ngayon ng tari ay banana type na diamond cut. bago ko binili ito ay siempre humingi muna ako ng tips kay Itoy dahil sa magandang performance ng entry ng RED COBRA. ito ang ipinapagamit ko sa gaffer ko kapag may laban kami. papipicturan ko at ipo-post ko dito.
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 9, 2010 20:01:20 GMT 8
Yan nga ang magandang tari ngayon bry. Banana type na diamond cut. Pag bumaon yan daig pa nyan ang may pahid ng curacho kung bumaon. San ka nagpagawa? Magkano isang set?
|
|