|
Post by balian on Feb 9, 2010 21:42:37 GMT 8
sa sta. cruz, laguna pinagawa pre mark. dun din nagpapagawa at nagpapa-vaciada si gildo, gaffer ni blue blade. P900/pc pero 1 dozen pinagawa ko kaya ibinigay ng P800/pc.
ang panget lang daw sa diamond cut ay ilang gamitan lang dahil madaling numipis gawa ng malalim ang hasa ng talim, parang labaha. kaya hindi magandang ipang-araw-araw ng mga mananari sa sabungan. pang-derby lang talaga.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 10, 2010 14:08:14 GMT 8
stick pa rin ako sa media luna... tried and tested in time...
|
|
|
Post by joven on Feb 10, 2010 15:47:14 GMT 8
sample ng 4 & 4.5" samurai: ganito din ginagamit namin. ang bigat 7-10 grams.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 10, 2010 16:38:14 GMT 8
ganito din ginagamit namin. ang bigat 7-10 grams. kumusta ang result, epektib ba bai?
|
|
|
Post by balian on Feb 11, 2010 14:56:26 GMT 8
sa sabado na daw papipicturan ang tari ko. may laban kasi kami bukas sa 3-cock. para ring manok, ayaw papicturan kapag ilalaban na hehehe.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 11, 2010 17:09:50 GMT 8
sa sabado na daw papipicturan ang tari ko. may laban kasi kami bukas sa 3-cock. para ring manok, ayaw papicturan kapag ilalaban na hehehe. nyahaha naalala ko tuloy si BL ayaw pa picturan baka mausog hehe...
|
|
|
Post by joven on Feb 12, 2010 19:16:06 GMT 8
ganito din ginagamit namin. ang bigat 7-10 grams. kumusta ang result, epektib ba bai? basta ang manok na kakabitan mo malakas taas at magaling sa saltuhan.... like sweaters. pag nakuha ka..... grabe.
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 12, 2010 22:48:19 GMT 8
sir joven, correct po kayo dyan. gumamit na kami ng ganyan na tari before. at marami na din kami nakalaban na ganyan ang tari din. ang big "IF" lang dyan ay... KUNG magpatama ng maganda sa breaking. KUNDI po kase pagdating sa dikdikan sa lupa agrabyado. sumisira din po naman yun nga lang ang ratio ng patama is 1 out of 5 dahil nga po mahaba sya. pero kahit na isang lang minsan ang kumonekta sa lupa ay wasak pa din. para sa akin minsan mas ok na yung maigsi na diamond cut. deadly sa itaas at sa ibaba. kahit sa gitna deadly pa din.
|
|
|
Post by balian on Feb 13, 2010 1:53:43 GMT 8
share ko lang mga braders... heto 'yung tari ko. ginamit kanina sa ulutan. 3-manok dala nila, 1 lang napalaban. naka-fastest win 1st prize pa kaya maganda resulta. post ko na rin 'yung nanalong kong manok kanina hehehe. putok-balat sa hita at apak-tari lang sugat. nakuha niya sa angatan ang kalaban.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 14, 2010 0:42:10 GMT 8
mahahaba na tong nasa dulo bai ah...
CONGRATS sa panalo... sila bai edu naka 3W din daw kanina sa hack attack!
|
|
|
Post by balian on Feb 17, 2010 18:10:52 GMT 8
lahat ng standard sizes ang pinagawa ng gaffer ko bai... di ko pa rin ito nakikita ng actual. banana type daw pala ito pero hindi diamond cut. ang diamond cut daw ay may hasa din sa likod ng tari pero walang talim. gusto ng gaffer ko ang banana type dahil iwas sa sabit sa buto kapag bumaon dahil nawala ang gap sa bandang garol.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 18, 2010 18:12:02 GMT 8
lahat ng standard sizes ang pinagawa ng gaffer ko bai... di ko pa rin ito nakikita ng actual. banana type daw pala ito pero hindi diamond cut. ang diamond cut daw ay may hasa din sa likod ng tari pero walang talim. gusto ng gaffer ko ang banana type dahil iwas sa sabit sa buto kapag bumaon dahil nawala ang gap sa bandang garol. maganda yung diamond type kung double blade bai... yung banana type na sinabi mo ay parang media luna rin yun...
|
|
|
Post by balian on Feb 18, 2010 18:17:29 GMT 8
maganda yung diamond type kung double blade bai... yung banana type na sinabi mo ay parang media luna rin yun... ang alam ko bawal pa rin hanggang ngayon ang double blade. pero iyong sinasabi ni Itoy ay hindi double blade pero diamond cut. hmmm parang magulo ano ;D
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 18, 2010 21:45:55 GMT 8
pre bry, yung diamond cut mukha lang double blade pero hindi ito actually double blade. kaya sya tinawag na diamond cut kase korteng diamond ito. marami ang gumagamit nito kase pag hinugot daw eh malaki ang damage at pinapasukan agad ng hangin na sya naman cause ng internal hemmorhage ng manok. yan ang analysis nung mga mananari. yung mga laban namin na ginamitan namin ng diamond cut na banana type napansin ko mas mabilis matapos. maigsi lang ang sukat basta nagbigayan deadly. kahit sa breaking pag nagpatama malakas sumira din.
|
|
|
Post by balian on Feb 19, 2010 11:54:56 GMT 8
may sumali sa katatapos na WSC from Indonesia. 'yung tari ibang style naman ang garol at hindi rin mahaba ang talim... pati kabit ibang style din. 7W-1L ang score...
|
|