|
Post by kanipaan on Feb 19, 2010 15:20:34 GMT 8
may sumali sa katatapos na WSC from Indonesia. 'yung tari ibang style naman ang garol at hindi rin mahaba ang talim... pati kabit ibang style din. 7W-1L ang score... nakita ko tong surat knife ng indonesia kakaiba nga nasa harap ang garol pero tingnan natin sa WSC 2 kung maganda pa rin ang score nila saka na ako maniniwala na mas epektib pumatay ang tari design nila...
|
|
|
Post by joven on Feb 19, 2010 15:55:54 GMT 8
actaully napanood ko mga laban ng mga entry ng mga Indonesian na eto.. bale 3 yun netry nila pumasok sa finals ( di ko matandaan kung eto mismo espeling) 1. mahakan farm 1 2. mahakan farm 2 3. GE mahakan farm ( 7-1,runner-up) talagang kakaiba etong tari nila kala mo kutsilyo na ikinabit lang pero grabe pag sumugat..kita mo malaki ang impact sa manok pag nasugatan . hemorrhage agad...natutulala yun kalaban kala mo tatakbo. yun mga talo nila eh disgrasya din kasi nabubulag manok nila. eto example.( from wildfoot)
|
|
|
Post by balian on Feb 19, 2010 16:09:44 GMT 8
ibang-iba nga sa nakagawian nating tari dito sa pinas... considering na nasa WSC na ang pinakamagagaling na tari at mananari ay may isang biglang lumabas na kakaiba sa lahat at maganda ang score.
hindi ako magtataka kung sa WSC II ay madami ng gagaya dito sa tari ng indonesia. unless may mabuong bagong rules sa paggamit ng klase ng tari.
|
|
|
Post by kanipaan on Feb 19, 2010 16:47:53 GMT 8
ibang-iba nga sa nakagawian nating tari dito sa pinas... considering na nasa WSC na ang pinakamagagaling na tari at mananari ay may isang biglang lumabas na kakaiba sa lahat at maganda ang score. hindi ako magtataka kung sa WSC II ay madami ng gagaya dito sa tari ng indonesia. unless may mabuong bagong rules sa paggamit ng klase ng tari. isa na naman yan sa pinagde-debatehan bai yung pag ban ng kakaibang design ng tari... sa cebu ban daw to sa lahat ng sabungan pero sa ilo-ilo especially sa candelaria ay open man dun kahit anong design basta wala lang lason... ang reasoning ng taga ilo-ilo ang sabong ay patayan ng dalawang manok kaya may tari kaya kahit anong design basta tari lang walang lasun ay puede...
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 19, 2010 17:40:30 GMT 8
nung rambulan nakalaban ko si wilvyn sy ganyan ang ginamit nilang tari. malaysian ang kumabit. naluhod pa nga sila habang nagtatari. pati sipat at kabit iba din. ang dami nga nanonood nung habang tinatarian sila. double fight kami nun. yung unang laban dikitan ang laban tinamaan kami sa may ilalim ng pakpak. patay yung manok namin. wakwak ang tama. yung pangalawang laban, saltuhan ang laro, di sila nakasugat. itong ganitong tari tingin ko deadly sa dikitan pero pag nagka-ilagan o angatan ang labanan mahihirapan sumugat.
|
|
|
Post by joven on Feb 19, 2010 18:05:37 GMT 8
pansin ko din yan nun WSC... pag sabayan sa taas di sila gaano nakakasakit pero pag dikitan na parang umaaray yun manok na tinatamaan...lalo pag nadanan sa likod...yun cutting na mabilis.
hindi na rin gumamit sina wilvyn sy ng ganitong tari nun nakaraang WSC.
|
|
|
Post by balian on Feb 22, 2010 18:04:47 GMT 8
samurai = magaling sa liparan surat (indonesia) = magaling sa dikitan kontrapelo pala itong dalawang design ng tari na ito. saan kayo dito? ??
|
|
|
Post by ncyabut on Feb 22, 2010 18:40:47 GMT 8
Bry kung ako tatanungin mo ok na ako sa samurai. Iba na kase ang nakakauna. Kumbaga sa chicks iba ang feeling pag ikaw ang nakauna. Hehehe
|
|
|
Post by balian on Feb 22, 2010 20:15:43 GMT 8
kapag nauso 'yang mga tari na 'yan, sa tarian pa lang ay malalaman na ang laro ng manok. kaya kung magaling ang sultador ay puwede niyang isubo o bitawan ng malapit ang manok o ilayo naman kung salto ang manok niya.
sa hackfight naman, puwedeng sa tarian pa lang ay magka-ayawan na ng laban kapag di kursunada ang klase ng tari na ikakabit.
pati sa mga nagta-travesia, susunod na sila sa regla ng klase ng tari... hindi na sa regla ng liamado o dehado hehehehe...
hmmmm... masarap talaga ang nakakauna. kailangan ng Vit K-3 o kaya viminolak para hindi masyado tumagas ang dugo bwehehehehe
|
|
|
Post by bugar55 on Oct 19, 2011 1:25:13 GMT 8
BALIAN: saan ok magpagawa ng tari sa atin sa Laguna.. tiga Paete ako.
|
|